• Tungkol Sa Amin
    • Kasaysayan ng Kumpanya
    • Board Of Directors
    • Top Management
    • Vision & Mission
    • Milestone
  • Negosyo
    • Yippi
    • A.I.
    • TogaGo
    • Eostrewave
    • Languages
  • Balita
  • Pag-unlad ng Career
  • Investor Relations
  • Makipag-ugnayan sa Amin
  • TL
    • EN
    • CN
    • BM
    • JP
    • TW
    • KO
    • TL
    • TH
    • ID
    • VI

15-3-2018

  • Home
  • Balita
  • Uncategorized
  • 15-3-2018
3-7-2018
Disyembre 15, 2018
25-7-2018
Disyembre 15, 2018
Published by togaadmin at Disyembre 15, 2018
Categories
  • Uncategorized
Tags

Ang Pagtutulungan ng Toga at Indonesia Stock Exchange (IDX)

Mga plano sa hinahangad na pagpapalawak sa Timog-Silangang Asya
DELAWARE, Estados Unidos – ika-16 ng Marso 2018 – Ang CEO ng Toga Limited na si Mr. Michael Toh ay nag-anunsyo tungkol sa isinaplanong bagong tanggapan ng Toga na bubuksan sa Jakarta, ang ikatlong sangay sa Timog-Silangang Asya, matapos ang Malaysia at Pilipinas.
Noong ika-15 ng Marso – Inanyayahan si Michael na mag-host ng seremonya para paglulunsad ng stock market ng IDX sa Jakarta, kasama ang senior management team – si General Manager Dr. Steve Tan, CEO ng TCA na si Roy Lim at securities counsel na si G. Scott Lawler. Sa isang press conference matapos ang nito, sinabi ni Michael, “Ang Indonesia ang ika-apat sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo at ika-16 naman na may pinakamalaking ekonomiya. Ang futuristic at mabilis na pag-unlad ng ekonomiya nito ay nagsisimula ng mapansin. May kumpiyansa kami sa potensyal ng bagong umuusbong na merkado na ito at naniniwala na magkakaroon ng pagbibigayan kapwa sa pakinabang sa pagitan ng Toga at ng mga lokal na korporasyon. ”
Ang pagpapalawak ng Toga sa Indonesia ay nakakuha ng pagkilala mula sa Indonesia Stock Exchange (IDX) at ang Toga ang naging unang dayuhang kumpanya na inanyayahang mag-host para sa pambungad na sesyon sa araw ng pagbubukas ng stock exchange. Ito ang kauna-unahang pangyayari kung saan mayroong mahigit sa 45 na mga organisasyon ng media ang inayos para sa panayam sa mismong lugar na pinagdausan. Bilang karagdagan sa mga ito, ang bagong opisina ng Toga ay opisyal na binuksan bago ang araw na iyon, na matatagpuan sa napakaabalang business hub ng Jakarta – sa Sudirman Central Business District. Ang Toga ay mahusay na nagpapalawak ng plano nitong negosyo sa Timog-Silangang Asya.
“Ang Toga ay maglalaan ng pondo para sa mga umuusbong na kumpanya sa ilalim ng programa ng IDX INCUBATOR. Mahigit sa limang mga kumpanya ang kasalukuyang kinilala at pinagpaplanuhan namin ang pagbuo ng estratehikong pakikipagsosyo sa isa o dalawa sa mga kumpanyang ito.” ang sabi ni Dr. Steve Tan, ang General Group Manager ng Toga sa isang pakikipanayam. Ang Toga ay lalahok din sa IDX INCUBATOR at ‘IDX Galeri’, kung saan maglalaan ito ng suporta sa pinansiyal at teknolohiya para sa mga umuusbong na mga kompanyang panteknolohiya. Ang Toga ay magtutuon din ng pansin sa iba’t-ibang mga aktibidad na may kaugnayan sa pananalapi, mga programa sa pagsasanay, edukasyon at mga kumpetisyon na isinaplano para sa mga primarya at sekundaryang paaralan sa Indonesia. Nais ng Toga na magkapaglaan ng makabuluhang edukasyon para sa mga kabataan, makapagbigay inspirasyon sa kanilang malikhaing kaisipan at maitaguyod ang isang patuluyang pag-unlad sa ekonomiya ng merkado, pagpapakatao at kultura. Si Nicky Hogan, ang Direktor ng Business Development ng IDX ay nagbigay ng pahayag at ipinaalam ang kanyang pagsuporta at positibong pananaw tungkol sa pagtutulungan ng Toga at IDX.
Tinatarget ng Toga na mailunsad nito ang mobile communication application, ang Yippi sa malaking populasyon ng Indonesia lalo na mga kabataang nagtatrabaho. Sa pamamagitan ng one-stop convenience operating system nito at matatag na compatibility, nakuha ng Yippi ang pansin ng henerasyong ito. Inaasahan na ito ang magiging opisyal na plataporma ng komunikasyon sa negosyo ng IDX, na tumutulong sa komunikasyon ng mga empleyado at magiging isang multi-functional work-friendly na plataporma. Ipinahayag ni Michael na magsisikap silang palakihin ang bilang ng mga Indonesian na gumagamit ng Yippi hanggang 100 milyon sa katapusan ng 2019, at gagamitin ang Yippi para makatulong sa 2 milyong lokal na SMEs sa pagpapaunlad ng kanilang negosyo at pagpapalawak ng kanilang mga tanggapan para sa mga customer. Bilang resulta, magkakaroon ng isang napapanatili at self-circulating na modelo sa negosyo.
Ang kumpanya ng Toga Limited sa Amerika ay itinatag noong 2003. Ang Asia Pacific Representative Office ay nakabase sa Kuala Lumpur Malaysia at itinatag naman noong 2015. Sa parehong taon, ang kumpanya ay nakasama sa listahan ng Over the Counter (OTC) Markets (stock code: TOGL ), at patuloy na aktibo sa merkado ng Timog- Silangang Asya. Ang Toga ay mahusay na kinilala sa industriya dahil sa dalawang bagay – dahil sa “Yippi”, ang mobile communication app nito at ang napapanatiling modelo sa negosyo na nagbigay sa Toga ng malawak na sakop at maraming user sa buong daigdig.

* Ang bahagi ng artikulong ito ay nagmula sa:

1) Okezone Finance – https://economy.okezone.com/read/2018/03/16/278/1873660/perusahaan-malaysia-lirik-startup-binaan-bei-investasi-bisa-capai-usd15-juta

2) IMQ – http://www.imq21.com/news/read/478327/20180315/144934/Toga-Limited-Siap-Dukung-Pertumbuhan-Pasar-Modal-Indonesia.html

3) Market – http://market.bisnis.com/read/20180315/192/750518/perusahaan-digital-toga-limited-berminat-dual-listing-di-bei “

Share
0
3960 Howard Hughes Parkway, Suite 500 Las
Vegas, NV 89169

Tel : (+1)702-990-3578

tungkol sa amin kasaysayan ng kumpanya board of directors vision & mission makipag-ugnayan sa amin
our business Yippi Toga Go languages EostreWave
© 2018 All rights reserved by Toga Limited