Board Of Directors

MICHAEL TOH KOK SOON

Pangulo


Ang Toga Limited ay itinatag ni Michael Toh at nakatuon sa R ​​& D of Online Info Communications Technology and Information Technology. Nagsikap siyang mabuti para magkaroon ito ng halaga sa pamilihan. Si Michael Toh ay may matagal ng karanasan sa pagpapaunlad ng negosyo at merkado. Itinatag niya ang Gen Five Global, isang kumpanya ng telekomunikasyon na awtorisadong maging mangangalakal ng Celcom na mayroong 14 sangay sa buong Malaysia.

Si Michael Toh ay nagtapos mula sa Multimedia University na may karangalan. Ang kanyang major ay Telecommunication of Electronic Engineering Programme. Nanalo rin siya ng scholarship award na ibinigay ng General Electric Company (Estados Unidos). Naniniwala si Michael Toh na ang pangunahing susi sa tagumpay ay ang paniniwala sa sarili.

ROY LIM JUN HAO

direktor


Si Roy Lim ay nagtrabaho bilang marketing executive mula ng magtapos siya sa high school noong 2007.Si Roy Lim ay may iba't ibang karanasan sa pagmemerkado mula sa maliliit at katamtamang mga negosyo (SMEs) hanggang sa malalaking mga negosyo dahil nagtrabaho siya bilang marketing executive sa maraming industriya, tulad ng pagkain at inumin, advertisement, telecommunication, information technology, damit at iba pa.

Si Roy Lim ay naging direktor ng MBIT Engineering Sdn. Bhd. noong 2014, na nasa negosyo ng pagpaplano at pagdidisenyo ng fiber connectivity para sa mga proyekto ng GPON FTTx.

Si Roy Lim ay isang napakahusay na lider ng team at mayroon siyang mga katangian na humihikayat sa kanyang mga miyembro na sundan siya. Naniniwala siya na ang pagsulong at tagumpay ng mga miyembro ng team ay mas mahalaga kaysa sa personal na tagumpay.

Dr. Steve Tan (DBA)

direktor


Nagtapos si Steve mula sa Royal Institute of Marketing sa London, UK. Nakatanggap si Steve ng parangal bilang "The Distributor Of The World" ng Neways International Inc., isa sa mga kumpanyang nangunguna sa network marketing sa Amerika na may higit sa 500,000 mga distributor sa 30 na bansa noong 1997. Itinalaga din bilang Ambassador for Peace ng Universal Peace Federation para sa World Peace.

Noong 2007, si Steve ay ginawaran ng parangal bilang "International Distributor of the Year" ng Multi-Level Marketing International Association sa Amerika at sa taon ding iyon, siya ay pinagkalooban ng titulo bilang Doctorate in Business Administration ng Midwest Missouri University sa Amerika. Nakuha ni Steve ang isang kumpanya ng OTC at nagtrabaho sa mga Security Attorney ng Amerika, Market Maker, Transfer Agent, PCAOB Accountant & Auditor, Broker, IRPR Consultant at Global Investor. Naglakas-loob si Steve na pasukin ang Merchant Banking Partnership na tumutulong sa kumikitang SME hanggang sa OTC, NASDAQ & NYSE. Naging consultant siya ng maraming kumpanya ng OTC para itatag ang kanilang mga negosyo at tulungan silang kumita ng malaki sa loob lang ng tatlong taon. Bilang siyang Group General Manager ng Toga Limited Group of Companies, pinasusulong niya ang potensyal ukol sa panghinaharap na pag-unlad at responsable sa pagpapaplano, pag-oorganisa at pagsasakatuparan ng pandaigdig na pagpapalawak at pag-sasaayos para maisama sa listahan mula sa OTCQB tungo sa NASDAQ Stock Exchange sa Disyembre 2019.

EDWARD NG BOON CHEE

direktor


Si Edward Ng ay makaranasan sa pakikipagtalastasan sa mga tao anuman ang kanilang antas o posisyon sa loob ng organisasyon. Nagsasagawa din siya ng mga presentasyon tungkol sa kung paano hahanap ng tamang mga proyekto hanggang sa tamang pangangasiwa dito.

Ginagampanan niya ang tungkulin bilang lider ng team na responsable sa pagbibigay ng tungkulin at tugunan ang mga tunguhin sa pamamagitan ng epektibong pangunguna, mahusay na pakikipagtalastasan at analytical na kakayahan. Ang kanyang karanasan sa pangangasiwa sa NEK Marketing Sdn Bhd at Penerbitan Creative Bird ang naging dahilan upang malinang niya ang kanyang analytical na kakayahan at mga kasanayan sa pangangasiwa ng proyekto, tiwala sa sarili at malakas na personalidad.

WILLIAM LIEW CHOON FOOK

direktor




Natamo ni William ang kanyang edukasyon sa mga prestihiyosong institusyon, ang kanyang Higher School Certificate & University Entrance at ang Bachelor of Engineering (Electronic Engineering) sa Selwyn College at University of Auckland sa New Zealand.

Siya ang nagtatag ng MEGAWIN ENTERPRISE at ginampanan ang posisyon bilang Chief Operating Officer ng kumpanya noong mga taong 2014-2015. Siya ngayon ang Corporate Secretary ng Toga Limited at dahil sa kanyang talento ang kumpanya ay nagpapatuloy sa pagtahak sa tamang landasin.