A.I. CUSTOMER SERVICE
Nagbibigay kami ng robot customer service sa mga kliyente para sa maliliit at di-kalakihang mga negosyo (SMEs) at sa mga nais magpasimula ng kanilang negosyo.
Kapag nagpasok ng mga tanong ang mga user sa AI Chat Box, ang system ay magbibigay agad ng sagot sa mga tanong.
Ang robot customer service ay nagbibigay ng tumpak na mga sagot, mabilis na pagtugon at nagpapasulong ng kakayahan.
A.I. PAG-DETECT SA SEGURIDAD NG NILALAMAN
Ang system ay may 4 uri ng pang-detect para matiyak na ligtas ang nilalaman ng mensahe. Kapag lumitaw ang alinman sa mga pang-detect na ito, ang nilalaman ng mensahe ay aalisin.
1. Pag-detect ng salita – pag-detect at pagsala ng mga salitang may kaugnayan sa pornograpiya, pulitika, terorismo, advertising at iba pang mga sensitibong salita.
2. Pag-detect ng larawan - pag-detect at pagsala ng mga larawan na naglalaman ng pornograpiya, pulitika, terorismo, advertising at iba pa.
3. Pag-detect ng video - pag-detect at pagsala ng mga video na naglalaman ng pornograpiya, pulitika, terorismo at iba pa.
4. Pag-detect ng boses - pag-detect at pagsala ng mga voice message na naglalaman ng pornograpiya at iba pang mapang-abusong nilalaman.
A.I. BEAUTY CAMERA
Ang smart AI technology ay tumpak na nakaka-detect at nakasusubaybay ng mga paggalaw ng mukha at pagkilos at agad na nakukuha nito at nasusuri ang impormasyon.
Ang camera ay may kakayahang tuloy-tuloy na pagandahin ang larawan sa pamamagitan ng mga effect at filter, buong husay na itinutugma ang mga espesipikong ekspresyon at paggalaw para maipakita ang mga kaukulang epekto.
Ang hand gesture recognition ay nakaka-detect ng iyong mga pagkilos at paggalaw at ipakikita ang iyong mga pagkilos sa pamamagitan ng gumagalaw na sticker na may mga effect.
Ang mga sticker effect ay ipinapakita sa mismong oras ding iyon sa pamamagitan ng selfie, live broadcast at video mode.
VOICE TO TEXT
Kung hindi kumbinyente para sa iyo ang makinig sa mga voice message, ang "Voice to Text" na feature ay magbibigay-daan sa iyo upang baguhin ang iyong mga voice message tungo sa text sa isang pindot lang! Kaya maaari mong basahin ang mga mensahe sa halip na pakinggan ito!
AUTO TRANSLATE
Hindi mo nauunawaan ang wika ng ka-chat mo? Gamitin lamang ang built-in na "Auto Translate" function ng Yippi. At maaari kang mag-chat nang libre at maiintindihan mo ang mga kaibigan mo na nagsasalita ng ibang wika.